genius by birth,
lazy by choice

future diplomat, lawyer and rockstar. :)

genius by birth,
lazy by choice

Siguro naman, hindi na lingid sa kaalaman natin na may mga iminumungkahing batas sa Kongreso na bukod sa katawa-tawa eh nakakainis, hindi lang dahil sa subject matter nito, kundi hindi ito akma sa layuning nais makamit or suliraning kailangan ng solusyon.

Imbes na mag-focus sila sa “anti-selfie bill” or “anti riding-in-tandem bill” na wala namang ibang gagawin kung hindi pahirapan ang simpleng mamamayan dahil sa hindi magawa ng mga nasa posisyon ang trabaho nila, eh mungkahi ko lamang na magkaroon ng batas na makakaapekto sa buhay ng simpleng mamamayan

  • An Act Regulating the Boundaries of Taxi Drivers - para naman maiwasan na ang matataas na boundary na dapat mabayaran ng mga taxi drivers, ng sa ganon ay hindi na sila mandaya ng mga pasahero
  • An Act Regulating Unilateral Changes in Terms of Agreements - medyo mahirap intindihin to, pero kung nagbabasa tayo ng mga kontrata ng telephone line, internet, kuryente, tubig, credit card, atbp., kadalasan ay may mga provisions ay “Subject to changes without prior notice.” Oo, pumirma tayo sa kontrata, ibig sabihin payag tayo sa ganyang policy. Pero, dapat ay reasonable dahil ang pagpirma natin diyan ay parang “Take it or leave it,” wala kang choice. So kung ang mga pagbabago sa kontrata ay disadvantageous sa customer, dapat eh may public announcement naman, corporate social responsibility nila yun eh. Tapos kung ang pagbabago sa kontrata ay advantageous sa customer, eh dapat magapply din yun sa mga existing customers, hindi lang sa mga future customers. Ang nangyayari kasi, pag nakakasama, apply sa lahat, pag nakakabuti, sa mga panibagong customers lang.
  • An Act Establishing Traffic Courts - para sa mga may traffic violations, maaari nilang iprotesta sa traffic courts kung ano mang violation, nang sa ganon kung wala naman pala talagang violation, ay hindi na sila magbayad
  • An Act Establishing Statewide Traffic Management Administration - at dahil may traffic court na mangangasiwa ng mga reklamo, dapat iisa na din ang ahensiya na magpapatupad ng mga batas trapiko.
  • at napaguusapan ang traffic, kailangan ng Act Abolishing the Metropolitan Manila Development Authority - Madaming batikos sa ahensiya ninyo, lalo na ang mga malalakas mangotong na enforcer ninyo. Kasi ang line of thinking ng MMDA sa ngayon, kung alin ang nakakatraffic, ipagbawal. Eh kung ang tingin ng madami ay nakakagulo kayo, dapat na ba kayong alisin?
  • Magkaroon din sana ng batas na binibigyang importansiya ang Kasaysayan at Sibika. Para ang espiritu ng nasyonalismo ay maintindihan ng mga bata at lumaki ng may pagmamahal sa bansa. Hindi lang puro English, Math at Science ang priority. Lalo na ang English; hindi naman din sukatan ng pagiging “globally-competitive” ang galing sa pagsasalita ng Inges.
  • Magkaroon ng batas na mandatory subject ang Philippine Government and Constitution, kahit Bill of Rights lang, para alam ng mamamayan ang karapatan nila ayon sa Saligang Batas. At magkaroon ng batas na mandatory ang Basic Income Taxation. Para naman hindi lang bayad ng bayad, maintindihan din ito kahit kaunti. Kung ang buhay nga ni Rizal ay mandatory subject, eh sana alam din natin ang karapatan natin ng hindi tayo maabuso ng sarili nating bansa.
  • Gawing krimen ang pakikiapid sa kapwa lalaki o kapwa babae. Hindi stupid ang “My Husband’s Lover Bill.” Yung title lang ang mali dito. Tama ang minumungkahi ng batas na ito, dahil sa Revised Penal Code, ang Adultery ay kapag babae ang nahuling nakipagtalik sa lalaki na di niya asawa, and Concubinage ay kapag ang lalaki naman ang nakiapid sa babae na di niya asawa. Parang di naman makatarungan na kapag ang lalaki ay nakiapid sa kapwa lalaki, o babae ay nakiapid sa kapwa babae ay hindi krimen. (Para sa mga miyembro ng LGBT, wag ninyo sabihin na may discrimination against sa inyo, lamang kayo sa batas, dahil hindi krimen pag nakiapid kayo sa kaparehas na kasarian na may asawa)

Ito ay pawang mga mungkahi lamang, at kung meron kayong violent reaction laban dito ay ayos lang. Basta walang personalan. Madami pang mga batas ang mas naaangkop na imungkahi, pero ang mga ito ay ang sa palagay ko ang makakaapekto sa araw araw na pamumuha ng bawat PilipinoHindi ko na din isinama ang FOI Bill, Anti-Dynasty Bill, Extended CARP at ang pag-amyenda sa Income Tax Rates sapagkat ito ay kadalasang nababanggit na ng mga major news agency at ibang bloggers